Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Inaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang drug pusher nang magsagawa sila ng buy-bust operation sa Sto. Niño Subdivision sa Barangay Matatalaib, Tarlac City nitong Sabado ng hapon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Princess Chan, alyas “Tomboy”, 35, ng Bgy. San Sebastian, Tarlac City; at Aries Tundayag, 30, tricycle driver, ng Bgy. Armenia, Tarlac City.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Joey Apolonio, kaagad na inaresto ang dalawang suspek nang bentahan umano ng mga ito ang pulisya na nagsagawa ng anti-illegal drugs operations laban sa kanilang lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi pa mabatid na dami ng droga at isang baril ang narekober umano ng pulisya sa mga suspek.