Ni Reggee Bonoan

IBA talaga ang nagagawa ng Beautederm products kay Sylvia Sanchez dahil mukha siyang bata kahit ilang araw nang walang tulog simula noong Abril 2 sa sunud-sunod na tapings ng Hanggang Saan sa Pililia, Rizal at hindi rin naman siya totally nakapagpahinga nitong Semana Santa dahil overnight lang niyang nakasama ang pamilya at sabay lipat sa Nasipit, Agusan del Norte para sa kanyang high school reunion.

SYLVIA copy

“Hindi ako nagkamaling tanggapin ang Beautederm nu’ng kunin ako ni Rei (Anicoche-Tan) endorser kasi bumabata talaga ako sa set cream niya. Hindi lang beauty products ang maganda sa Beautederm, pati mga air at linen scent spray para sa room hindi ako makatulog ‘pag hindi ako nag-spray sa kuwarto o sa taping.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Gusto ko ‘yung coffee scent kasi pampatulog lalo na ‘pag hindi pa ako makatulog at kailangan ko na dahil maaga ang call time sa taping ng Hanggang Saan. May pamparelaks na scent, ‘yung lavender at morning dew scent para maging good mood naman.”

Naniniwala kami kay Ibyang tungkol sa mga oil scent spray dahil nu’ng nasubukan namin ito na ibang brand nga lang ay nakakatulog kami at nakaka-relax nga.

Anyway, nagmukhang tindahan na ang kuwarto ni Ibyang sa rami ng stocks niya ng Beautederm soap, foundation, concealer at ang perfume at cologne na sadyang ipinangalan sa kanya.

“Kapag wala akong tapings, sinasadya ko talaga ang Beautederm clinic ni Rei sa Angeles City para sa maintenance ko dahil ito ang puhunan naming mga artista. Actually, hindi lang mga artista na ang may beauty maintenance di ba, pati mga ordinaryong tao gumagamit na ng mga ganito kasi kailangan din nila sa personal nilang buhay,”sabi pa ng lead star ng Hanggang Saan.

Kasama na sa budget maging ng ordinaryong tao ang mga pampagandang produkto at kahit nga mga nagtitinda sa palengke ay gumagamit na rin.

“Kaya nga, di ba, magbubukas ako ng Beautederm clinic sa Butuan City, siguro ngayong Mayo tapos na. ‘Tapos next sa Nasugbu, Batangas naman. Marami kasing naghahanap ng clinic, eh, si Rei, sa Angeles ang clinic niya, at dahil maraming naghahanap, gusto na rin niyang magpatayo sa Manila o Quezon City. Naghahanap siya ng magandang location,” kuwento ni Ibyang.

Bukod kay Sylvia, endorser din ng Beautederm sina Matt Evans at Carlo Aquino at nakatakda nilang pasayahin ang mga taga-Ilagan, Isabela para sa meet and greet nila kasama rin sina Alma Concepcion at Shyr Valdez. Gaganapin ito sa Triton Mall sa Abril 10, Martes.