Ni Mary Ann Santiago

Arestado ang isang babae makaraang makumpiskahan ng 33 pakete ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Marikina City, nitong Huwebes ng gabi.

Na h a h a r a p s a k a s o n g paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang suspek na si Norida Samporna, 43, biyuda, ng Block 43, Singkamas Street, Barangay Tumana ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinarating ni Marikina City Police chief, Senior Supt. Roger Quesada, nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police laban kay Samporna sa bahay nito, dakong 6:45 ng gabi.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Unang nakatanggap ng ulat ang awtoridad kaugnay ng sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Inaresto ang suspek sa aktong inaabot nito ang droga sa poseur-buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 33 piraso ng pakete ng umano’y shabu a t P1,000 buy-bust money.