Ni Nitz Miralles

ALL is well kina Bea Alonzo at Gerald Anderson kaya masayang-masaya na uli ang fans nilang dalawa.

GERALD AT BEA

Pagkatapos ng parang lovers quarrel na umabot sa pag-a-unfollow ni Bea kay Gerald sa Instagram at pagde-delete niya sa poster ng My Perfect You movie nina Gerald at Pia Wurtzbach, back in each other’s arms ang dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nasa London sila ngayon. Ang sabi, naunang umalis si Gerald at sumunod si Bea, pero hindi na importante ‘yun kundi ang muli nilang pagkakasundo at magkasama silang nagbabakasyon.

Walang picture sina Bea at Gerald na ipinost sa social media habang nagbabakasyon sa London. Sa IG story ni Gerald, boses lang nila ni Bea ang maririnig habang nasa car showroom sila.

Hinihintay na ng fans nina Gerald at Bea ang kanilang pagbabalik mula sa bakasyon.