Ni Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

Itinanggi ng Malacañang na magkakaroon ng balasahan s a Gabine t e kasunod ng mga ulat na sisibakin na ni Pangulong Duterte sa puwesto si Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ito ang inihayag ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra kasunod ng mga ulat na sisibakin na ni Duterte sa puwesto si Aguirre ngayong linggo, bukod pa sa napaulat na nagsumite noong nakaraang linggo ng resignation letter si Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III sa Presidente.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa press briefing sa Palasyo kahapon ng umaga, sinabi ng Office of the President na wala silang anumang natatanggap na letter of resignation mula sa sinumang miyembro ng Gabinete.

“The Office of the President has not received any letter of resignation from either Secretary Bello or from Secretary Aguirre. And the President has just returned from his Holy Week visit to his hometown and he has not given any statement regarding this matter,” sabi ni Guevarra.

“Hindi namin nakakausap ang Presidente mula pa noong last week. Palagay ko naman kung meron ngang mga aksiyon na kailangang gawin tungkol sa pagkilos o movement sa Cabinet, presidente mismo ang magsasabi noon,” dagdag pa niya.

“We are not aware of any impending Cabinet revamp,” giit pa ni Guevarra.

Sinabi pa ni Guevarra kahapon ng umaga na kapwa dadalo sina Aguirre at Bello sa pulong ng Gabinete kahapon ng hapon.

Bago mag-Semana Santa ay inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya kuntento sa trabaho ng ilan sa kanyang Gabinete. Bagamat walang binanggit na partikular na detalye, sinabi pa ng Presidente na marami pa siyang sisibakin sa gobyerno sa pagbabalik niya sa Maynila pagkatapos ng Mahal na Araw.