Ni NORA CALDERON

MARAMI ang nag-alala para kay Gabby Concepcion nang mag-post siya ng duguan niya paa sa Instagram, at siya mismo ang naglapat ng first aid. Mag-isa lang kasi siya nang masugatan.

Gabby Concepcion 2 copy

Si Gabby na rin ang nagkuwento sa video tungkol sa freak accident na nangyari sa kanya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“I wounded myself. Glass fell on my feet, there’s 2 inch wound.

“Protect yourself at all times. Wear protected shoes next time. I opened cupboard and glass water goblet fell on my foot, basag! Going to put betadine solution to clean it. Kids, careful sa pagbukas ng closed doors. Anything can fall on you.”

Dagdag pa niya.” Quick fix. Now I can drive to Makati Med.”

Ipinost din ni Gabby na “repairing my wounds by Dr. @carlo borbon. Thank you and Dr. @woweemercado. Thank you so much Dr. @noooryeo. Thank you @mskimberlyjoyce Dr. Thank you for the assistance. #stitches #doctor

Bago nasugatan, may post si Gabby na nasa Lobo, Batangas siya, pero ‘yung aksidente ay sa vacation house niya sa Sawang Batangas pala nangyari.

Isang close friend ni Gabby ang nakausap namin at aware siyang worried ang fans sa post ni Gabby. Ayon sa kanya, nagpapahinga na ang aktor matapos matahi ang sugat sa paa nito.

Huwag na raw mag-alala ang followers ng aktor dahil okey na ito.