Ni Orly L. Barcala

Patay ang isang lalaki, na bulag ang kanang mata dahil sa catarata, makaraang iuntog ng isang barangay tanod sa Valenzuela City, nitong Lunes ng hapon.

Agad nalagutan ng hininga si Benjamin Mesina, residente ng Urruttia Street, Barangay Arkong Bato ng nasabing lungsod, sanhi ng internal hemorrhage o pamu¬muo ng dugo sa ulo.

Sa ulat na ipinarating ni Chief Insp. Rhoderick Juan, hepe ng Sta¬tion and Investigation Detective Management Branch (SIDMB), ini-report ng tanod na si Angelito Calderon, 52, kapitbahay ng bik¬tima, sa Arkong Bato barangay hall na nawalan ng malay si Me¬sina dahil sa kalasingan, bandang 4:00 ng hapon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Upang malaman ang tunay na nangyari, hiniling ng mga imb¬estigador ang kopya ng closed cir¬cuit television (CCTV) footage, sa pakikipagtulungan ni barangay chairman Cristy Feliciano.

Napanood sa CCTV footage na hawak ni Calderon ang ulo ni Mesina habang naglalakad at iniuntog sa pader.

Hinatak pa ni Calderon ang biktima at sinuntok sa mukha habang papasok sa eskinita hang¬gang sa bumagsak ang huli.

Hindi pa nakuntento, kinal¬adkad ni Calderon si Mesina at makalipas ang ilang minuto ay tumulong na ang mga residente at binuhat ang walang malay na si Mesina.

Sa tulong ng CCTV camera, agad naaresto ng mga pulis ang suspek at kinasuhan ng murder.

Sa panayam kay Calderon, nagalit umano siya sa biktima dahil pinagbintangan nito ang kanyang anak na nagnakaw ng sunglass.

“Kung may kasalanan man itong victim sana hindi na niya pinatay at dapat ikinulong niya kasi barangay tanod siya,” ani Juan.