Ni Mary Ann Santiago

Kamatayan ang sinapit ng isang motorcycle rider matapos siyang sumalpok sa kasalubong na jeep nang mag-overtake siya sa dalawang sinusundang motorsiklo sa isang pakurbadang kalsada sa Tanay, Rizal, nitong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Army Hospital sa Camp Capinpin si Roberto Bondad, 51, ng Barangay San Miguel, Baras, Rizal, sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Samantala, kaagad naaresto at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property si Noveleon Canja, 30, ng Sitio Mayagay 1, Bgy. Sampaloc, Tanay.

Sa ulat ng Tanay Municipal Police, nangyari ang aksidente sa Sitio Mayagay 1, dakong 6:35 ng gabi.

Sakay ang biktima sa kanyang asul na Honda Wave 110 (WB-9193) at patungo sa Antipolo City nang pagsapit sa pakurbadang kalsada ay bigla umano nitong sakupin ang kabilang lane upang mag-over take sa dalawa pang motorsiklo.

Subalit minalas na bumangga ang motorsiklo ng biktima sa kasalubong na jeep (DXC-926) ni Canja.