NAKATAKDANG isailalim sa pagsasaayos ang Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Stadium upang maihanda bilang venues ng martial arts at tennis events sa 2019 Southeast Asian Games.
Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, sinimulan na nang engineering department ng ahensiya ang evaluation para sa rehabilaitasyon ng dalawang venues na nasa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Iginiit ni Ramirez na ang dating US base camp sa Clark, Pampanga ang mananatiling main hub ng biennial meet na lalahukan ng 11 miyembrong bansa sa Agosto 2019.
“Magre-rehab kami for SEA Games. Ire-rehabilitate namin ‘yung Ninoy, track oval, and other areas kasi gagamitin ng martial arts and tennis ang Ninoy at Rizal Memorial kasi may mga ilang events sa Manila,” pahayag ni Ramirez.
“We have the resources kaya walang problema dyan. Sa Clark as main hub inaayos na rin natin ang budget dyan,” aniya.
Ang RMSC ang main hub ng SEA Games nang huling maging host ang bansa noong 2015. Nagsilbi ring host ang bansa noong 1981, at 1991.
Sinabi ni Ramirez na patuloy ang suportang ibinibigay sa mga atleta para sa kanilang paghahanda sa biennial meet kung saan target ng Pinoy na ma p a n t a y a n ang overall championship may 14 na taon na ang nakalilipas.
Nabuo na rin umano ang organizing committee na pinamumunuan ni by Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano.