Warriors, nakaiwas sa ‘losing skid’; Celtics, angat sa Raptors

SACRAMENTO (AP) — Nakaiwas ang Golden States Warriors sa losing skid, ngunit nabalutan ng hinagpis at luha ang panalo ng defending champions laban sa Sacramento Kings, 112-96, bunsod nang masamang bagsak ni guard Patrick Mccaw sa krusyal na sandali ng third period nitong Sabado (Linggo sa Manila).

 FALLEN WARRIOR! Isinakay sa stretcher si Golden State Warriors guard Patrick McCaw matapos ang masamang bagsak sa sahig bunga ng hindi sinasadyang foul ni veteran Vince Carter ng Sacramento Kings. Napatawan ng Flagrant 1 foul si Carter sa larong napagwagihan ng Warriors, 112-96. AP


FALLEN WARRIOR! Isinakay sa stretcher si Golden State Warriors guard Patrick McCaw matapos ang masamang bagsak sa sahig bunga ng hindi sinasadyang foul ni veteran Vince Carter ng Sacramento Kings. Napatawan ng Flagrant 1 foul si Carter sa larong napagwagihan ng Warriors, 112-96. AP

Inabot ng mahigit 10 minuto na nanatili sa sahig si McCaw nang bumagsak na una ang likod matapos ma-foul ni Kings veteran Vince Carter sa tangkang dunk may 41.8 segundo ang nalalabi sa third period.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inilabas ng arena si McCaw sa stretcher at kaagad na isinugod sa UC Davis Medical Center. Wala pang pormal na pahayag ang Warriors management hingil sa kalagayan ng sophomore player.

Napaluha si Carter, habang nakaluhod sa tabi ni McCaw bunsod nang labis na pag-aalala, habang nagpakita ng ‘sportsmanship’ ang magkabilang panig nang sama-samang nagdasal sa center court ang mga players at officials.

Nanguna si Kevin Durant sa naiskor na 27 puntos, 10 rebounds at limang assists sa kanyang unang laro na natapos ng buo mula nang magbalik matapos ipahinga ang rib injury. Naglaro si Durant nitong Huwebes laban sa Milwaukee, ngunit napatalsik sa laro sa second period bunsod ng dalawang technical fouls.

Nagbalik na rin si All-Star Klay Thompson mula sa walong larong pahinga bunsod ng injury sa kanang hinlalaki at kumana ng 25 puntos mula sa 10-of-19 shooting.

CELTICS 110, RAPTORS 99

Sa Boston, ginapi ng Celtics, sa pangunguna ni Marcus Morris na may 25 puntos at siyam na rebounds, ang Eastern Conference-leading Toronto Raptors.

Hataw din si Jayson Tatum ng 24 puntos, anim na rebounds at apat na assists sa ika-anim na sunod na panalo ng Boston para manatiling nasa No.2 sa East playoff.

May nalalabi pang tig-anim na laro ang magkabilabng team kabilang ang huling pagtututos sa regular season sa Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Toronto.

Nanguna si DeMar DeRozan sa Toronto sa natipang 32 puntos, pitong rebounds at pitong assists, habang nag-ambag si Serge Ibaka ng 15 puntos at 10 rebounds.

Nagkaroon ng 15 pagtabla at 20 palitan ng bentahe.

PISTONS 115, KNICKS 109

Sa New York, nagwagi ang Detroit Pistons laban sa Knicks, sa kabila ng hindi paglalaro ni All-Star Blake Griffin.

Ratsada si Andre Drummond sa naiskor na 22 puntos at 17 rebounds para sa ikaapat na sunod na panalo ng Detroit.

“It’s been a long season. It’s been a tough one for us. We’re not where we necessarily envisioned ourselves, but like I said I’m just proud of the resiliency this team’s had,” pahayag ni Jackson.

Nag-ambag sina Reggie Jackson at Anthony Tolliver ng tig-17 puntos.

Nanguna si Michael Beasley sa Knicks sa nakubrang 32 puntos at kumana si Trey Burke Jr. ng 18 puntos at 15 assists.

WIZARDS 107, HORNETS 93

Sa Washington, kumubra si All-star John Wall ng 15 puntos at 14 assists sa pagbabalik aksiyon matapos ang dalawang buwang pahinga bunsod ng injury para sandigan ang Wizards laban sa Charlotte Hornets.

Nag-ambag si Otto Porter Jr. ng 26 puntos at 11 rebounds, habang tumipa si Bradley Beal ng 22 puntos para sa Wizards.

Nanguna si Dwight Howard sa Hornets na may 22 puntos at 13 rebounds.

Sa iba pang laro, nabigo ang Miami Heat na makasungkit ng playoff spot sa Eastern conference nang gapiin ng Brooklyn Nets, 110- 109.