Ni Analou De Vera

Binalaan kahapon ng isang environmental watchdog ang publiko laban sa skin whitening product, na napaulat na nagtataglay ng mataas na level ng mercury o asoge.

Inalerto ng EcoWaste Coalition ang publiko laban sa umano’y mercury-laden na Temulawak New Day & Night Beauty Whitening Cream, kasunod ng pagkalat ng ulat ng ASEAN Post- Marketing Alert System (PMAS) ng Food and Drug Administration (FDA) tungkol dito.

“The product has been tested by the Department of Pharmaceutical Services, Ministry of Health, Brunei Darussalam as part of their post marketing surveillance laboratory analysis shows that the product is not compliant with the technical standards set forth by the ASEAN Cosmetic Directive (ACD),” ayon sa abiso.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakuha ng grupo ang naturang skin whitening set mula sa isang specialty store sa Quiapo sa Maynila, na nagbebenta ng imported food and health products na galing sa Indonesia at Malaysia.

Sinabi ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste, na ang nasabing produkto ay nagtataglay ng mahigit 1,000 parts per million (ppm) ng mercury, na mas mataas sa ipinapahintulot na hanggang 1 ppm.

Ayon sa FDA, ang mga taong malalantad sa mercury ay makararanas ng pag-iiba ng kulay ng balat, pamamanhid, pamamaga ng gilagid, pagiging iritable, at photophobia o pagiging sensitibo sa liwanag.