Nasa 6,587 pasyente ang natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) sa Holy Week operations nito na #PRCHolyWeek2018.

Sa naturang bilang, aabot sa 354 ang nasugatan, may nabalian, nakaranas ng pagkahilo, lagnat, pagtaas ng blood pressure, at iba pa.

Nasa 16 naman ang isinugod sa ilang pagamutan, habang siyam ang major cases, tulad ng hirap sa paghinga at pagkawala ng malay.

Kabilang sa mga lugar na tinututukan ng PRC ang mga terminal ng bus, pantalan at iba pang pampublikong lugar. - Beth Camia
Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga