Ni Light A. Nolasco

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng daang libong magsasaka ng Nueva Ecija sa banta ng La Niña phenomenon sa kanilang lugar.

Sinabi ni Dr. Jasper Tallada, ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Engineering and Mechanization Division on Climate Change, na walang dahilan upang mabahala ang mga magsasaka sa banta ng La Niña dahil sa kasalukuyan ay hindi naman mapaminsala sa mga palayan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dapat aniyang manatiling handa sa maaaring maging epekto ng panahon kaya mahalaga na laging nakabantay sa magiging lagay ng panahon mula sa mga anunsiyo ng Philippine Atmospheric Geophysical & Astronomical Services (PAGASA) at National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC).

Kabilang, aniya, sa maipapayo nito ang pagpaplano nang hustosa panahon ng pagtatanim na maaaring iiwas sa panahong madalas ang pag-uulan.

Pinatitiyak din nito na mapakikinabangan ang mga drainage canal upang maayos ang pagdaloy ng tubig sa bukirin at maiwasang mapeste pa ang mga pananim.