Sa kabila ng paggunita sa Mahal na Araw, tuloy sa pagtatrabaho si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa pagbisita sa pagmamantine sa mga tren ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3).

Ininspeksiyon nina Tugade, DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan, MRT-3 General Manager Rudy Garcia at MRT-3 Director for Operations Mike Capati ang maintenance work sa MRT-3 nitong Huwebes Santo.

Nadismaya si Tugade nang makita ang hindi maayos na records at inventory keeping makaraang magtungo sa warehouse ng spare parts ng MRT-3.

Pinagsabihan ng kalihim ang mga nadatnang tauhan ng warehouse na agad ayusin ang sistema ng records keeping dahil dito umano malalaman kung kulang o sumusobra ang order ng spare parts ng tren.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Matapos silipin ang warehouse at depot, tiningnan ni Tugade ang maintenance sa main line ng MRT-3. - Mary Ann Santiago