ILALARGA ng ProEx, kilalang sports marketing company specializing sa developing sports camps sa pangangasiwa ng mga professional athletes at coaches, ang kauna-unahang 3-day Basketball Camp sa Abril 10-12 sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.

Bukas ang camp para sa Boys & Girls na may edad na 9-hanggang 15.

Sa tatlong araw ng camp, ituturo ng ProEx coaches ang ilang tips at hands-on instruction, lectures, fundamental basketball skills stations, contests, at non-contact games sa isang masayang kapaligiran.

“We expect this camp to be lit!” pahayag nina Chris Urbina at Rocco Melicor, kapwa Grade 5 students mula sa Ateneo de Manila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kapwa nananabik ang dalawa dahil makakasama nila sa camp ang mga itinuturing ‘riva;’ mula sa La Salle Greenhills (LSGH) na sina Loy Jugo at Gian Gomez.

Kasama rin sina San Sebastian stand out Lebron Manding, Gavin Uy at Andrew Chio ng Xavier School.

Ang iba pang maagang nagpatala ng lahok ay sina Dea Sarmiento ng Miriam College at Bea Pagkalinawan ng Collegio de San Agustin, LSGH star Javi Jugo at Ateneo prized talents Luis Barros at Lebron Nieto.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa (02) 9610941; mobile (+63917) 533 3636 o sa e-mail at [email protected]. Registration ay puwede rin sa Facebook at https://www.facebook.com/ProExSports/