Ni Liezle Basa Iñigo

Isang 48-anyos na lalaki ang nasawi matapos na martilyuhin sa ulo ng sariling kapatid sa Barangay Puzon, Rosario, La Union, nitong Miyerkules ng hapon.

Patay na nang isugod sa Rosario District Hospital si Pablito Gatchalian, Jr. dahil sa matitinding sugat sa ulo.

Kaagad namang naaresto ng pulisya si Artemio Gatchalian, 62, ng nabanggit na barangay.

Probinsya

3 pang katawan, narekober sa MV Trisha Kerstin 3; casualties, pumalo na sa 57!

Nauna rito, nag-iinuman ang magkapatid nang biglang kumuha ng martilyo ang suspek at pinukpok sa ulo ang kapatid sa hindi natukoy na dahilan.