Ni Nitz Miralles

SA post ni Gabbi Garcia sa Instagram (IG), parang hindi niya alam na papatayin ang karakter niyang si Lily Pelaez sa Sherlock Jr. In fairness, nakangiti siya sa ipinost niyang picture na kuha sa last taping day niya.

GABBI copy

“I honestly don’t know where to start... as much as it’s hard to say goodbye, well here it goes. I would like to thank the #SherlockJr team! Thank you for treating me like family, one of the best cast & productions I’ve ever worked with! Thanks for keeping things light and full of love! I’ll definitely miss taping. Thank you also to everyone who supports the show! To my gabbifieds and gabru’s, love you guys! Quite unexpected, but I felt all the love from each and everyone of you. time to take a bow. Thank you, Lily Pelaez.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagalit ang fans ni Gabbi sa naging twist ng story ng Sherlock Jr., bakit daw pinatay ang leading lady? Dahil wala na si Gabbi, may nagbantang hindi na sila manonood ng Sherlock Jr.

‘Katawa ang isang comment na dahil pinatay na si Gabbi, ibig sabihin, wala nang leading lady si Jack (Ruru Madrid).

Hindi raw kaya si Siri (ang Golden Retriever dog) na ang katambal ni Jack?

May rason naman siguro ang writers at si Direk Rechie del Carmen kung bakit pinatay nila ang karakter ni Gabbi. In fairness, mas lumalim ang conflict sa pagkamatay ng karakter ni Gabby.

Wala pang balita kung ano ang next teleserye ni Gabbi, pero tiyak na bibigyan din agad siya ng bagong show.

Nakakontrata sa GMA Network si Gabbi at hindi papayag ang network na matagal na wala siyang project.

Nanawagan ang fans ni Gabbi sa GMA-7 na ngayong wala na ang aktres sa Sherlock Jr., bakit hindi siya ibalik sa Sunday Pinasaya. Naka-leave si Gabbi sa SPS at one month na siyang hindi napapanood. Tingnan natin kung pabalikin siya ng GMA-7 at APT Entertainment na producers ng Sunday show.