NAGBUNGA ang matiyagang pagsuporta ng Go for Gold sa atletang Pinoy matapos magwagi si John Leerams Chicano sa Putrajaya Asian Triathlon Confederation (ASTC) Middle Distance Duathlon Asian Championships kamakailan sa Malaysia.

chicano copy

Para mapataas ang level ng pagiging kompetitibo ng mga atleta, nakipagtambalan ang Go For Gold sa pamosong Australian coach na si Brett Sutton, gumabay kay Nicola Spirig sa Olympic triathlon gold sa 2012 London Games at silver sa 2016 Rio de Janeiro.

Sa pangangasiwa ni Sutton, natutunan ni Go for Gold’s Filipino coach Melvin Fausto ang modernong pamamaraan sa pagsasanay na siyang nagamit niya para maihanda ang Philippine team members kabilang na si Chicano.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasubok ang naturang coaching system nang sumabak ang Pinoy sa Powerman Malaysia, gayundin sa Putrajaya ASTC Middle Distance Duathlon Asian Championships nitong Marso 4.

Umani rin ng tagumpay sa Go for Gold— programa ng Powerball Marketing and Logistics Corp, isang kompanyang Pinoy na nangangasiwa sa fund raising ng mga institusyon ng pamahalaan – sa katauhan ni Raymund Torio ng Lingayen (Pangasinan) na nagwagi ng bronze medal sa Putrajaya duathlon.

Ang iba pang Go for Gold athletes na bumida sa kani-kanilang dibisyon sina Leonard Rodina, Carl Vincent Guiterez, John Carlos Selubo at Rogelio Visconde.

“It is a great accomplishment for the Go for Gold Team. Chicano defended his title for being the top Asian duathlete—the same soil where he won the Southeast Asian Games silver medal,”pahayag ni Fausto.

“The race also served as a debut overseas race for our new boys, and I’m very happy with the results. Our hard work really paid off,” aniya.

Kabuuang 3,756 duatletes mula sa 41 bansa ang sumali sa Powerman Asia Duathlon Championships.