Ni Nora Calderon

KINAHAPUNAN pagkatapos mapanood sa EB Lenten Special na Daughter’s Love with Ryzza Mae Dizon nitong Holy Tuesday, nag-post ang GMA Network ng story conference ng bagong teleserye na gagawin ni Ate Guy.

Nora at Direk Gina kasama ang cast ng upcoming primetime series

Batay sa cast na bubuo sa show, tiyak na magiging labanan ng aktingan ang upcoming primetime teleserye ng GMA-7 dahil makakasama ni Ate Guy si Cherie Gil at si Gina Alajar ang magdidirek.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makakasama rin nila sina Gardo Versoza, Vaness del Moral, at young stars na sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Enrico Cuenca. Nagbabalik-Kapuso rin si Wendell Ramos at may special participation si Adrian Alandy.

Tinanong namin ang taga-GMA sa sitwasyon ni Direk Gina na main contravida ngayon sa afternoon prime drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Tuloy pa rin daw ito sa serye kasabay ng pagdidirehe ng project nila ni Nora Aunor.

Sa pagkakaalam namin, first time ni Gina na ididirehe si Ate Guy, na dati ay madalas niyang nakakasama sa mga pelikula noong araw at madalas ding nakakalaban sa acting awards.

Tiyak na masaya ang young stars na kasama nila na right after natapos ang kani-kanilang projects ay nabigyan agad ng kasunod na show. Si Mikee, ganoon din si Cherie ay napapanood sa matatapos nang Sirkus (last two Sundays na lang). Si Kate ay nasa Sherlock Jr. sa primetime block, na sabi’y matatapos na rin, kaya by the time na ipalalabas na ang bago nilang teleserye, libre na sila dahil tapos na ang kanilang ginagawa.