LeBron, tumulad kay Jordan sa double-digits marks

CHARLOTTE, N.C. (AP) — Pinantayan ni LeBron James ang double-digit scoring streak ni Michael Jordan sa 866 sa natipang 41 puntos at 10 rebounds para sandigan ang Cleveland Cavaliers kontra Charlotte Hornets, 118-105, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

ISINALPAK ni LeBron James ng Cleveland ang dunk sa harap ng depensa ni Dwight Howard ng Charlotte Hornets sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.

ISINALPAK ni LeBron James ng
Cleveland ang dunk sa harap ng
depensa ni Dwight Howard ng
Charlotte Hornets sa isang tagpo ng
kanilang laro sa NBA.

Kumana rin ng walong assists si James para sa Cavaliers, nanatiling matatag sa No.3 playoff spot sa Eastern Conference.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napantayan ni James ang17- anyos na marka ni Jordan nang maisalpak ang alley-oop dunk mula sa pasa ni JR Smith sa second quarter.

Malalagpasan ng 33-anyos at four-time MVP na si James, nagsimula ng kanyang streak noong Jan. 6, 2007, ang record ni Jordan sa Biyernes sa home game laban sa New Orleans Pelicans.

Ngunit, hindi lang si James ang nakalikha ng kasaysayan sa naturang laro.

Kumubra si Kemba Walker ng 21 puntos para lagpasan si Dell Curry – ama ni Golden State star Stephen Curry -- bilang Hornets’ career scoring leader.

Kaagad na niyakap ni James si Walker nang pormal na ipahayag ang bagong marka. Napaluha naman sa labis na kasiyahan si Walker.

“I wasn’t supposed to be here. ... Anything is possible. If I can do it, anybody can,” pahayag ng the 6-foot playmaker.

CELTICS 97, JAZZ 94

Sa Salt Lake City, naisalpak ni Jaylen Brown ang three-pointer may 0.1 segundo ang nalalabi para iligtas ang Boston Celtics sa 97-94 panalo laban sa Utah Jazz.

Kumubra ng kabuuang 21 puntos si Brown, habang tumipa si Jayson Tatum ng 16 puntos para sa ikalimang sunod na panalo ng Celtics, sa kabila nang pagkawala ni ilang star players. Nag-ambag si Terry Rozier ng 13 puntos.

Mula nang ma-injury sina Kyrie Irving (knee surgery) at Marcus Morris at Al Horford (ankle), tumapos ang Celtics sa 4-0 sa kanilang West trip.

Nanguna si Donovan Mitchell sa Utah na may 22 puntos, habang kumana sina Ricky Rubio ng 14 puntos, 10 assists at walong rebounds, at kumana si Jae Crowder ng 16 puntos mula sa bench. Nabigo ang Jazz (42-33) sa ikatlong pagkakataon sa limang laro.

WOLVES 126, HAWKS 114

Sa Minneapolis, kumana si Karl-Anthony Towns ng franchise-record 56 puntos at 15 rebounds sa panalo ng Minnesota Timberwolves kontra Atlanta Hawks.

Tumipa si Towns ng 6 mula sa three-point range at may apat na assists para maibawi ang kabiguan natamo nitong Lunes sa Memphis Grizzlies.

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 17 puntos at kumana si Jeff Teague ng 11 puntos at walong assists para sa Timberwolves. Tangan ang 43-33 karta, sosyo ang Minnesota (43-33) sa ikapitong puwesto sa Utah.

Nagsalansan si Mike Muscala ng career-high 24 puntos mula sa bench para sa Atlanta, naghahabol para sa nalalabing Mo.8 spot sa East playoff. Kumana sina Dewayne Dedmon na may 13 puntos at 12 rebounds para sa Hawks.

SIXERS 118, KNICKS 101

Sa Philadelphia, nasa winning streak ang Sixers, ngunit nabahiran ng alinlangan ang kanilang kampanya ngayong’ nasa-sideline si Joel Embiid bunsod ng injury.

Kumamada si Dario Saric sa natipang 26 points and 14 rebounds para sa Sixers na kumana ng walaong sunod na panalo, habang tumipa sina J.J. Redick ng 21 puntos at rookie star Ben Simmons na may 10 assists at walong rebounds para sa Philadelphia (44-30).

Kaagad na isinugod si Embiid sa ospital bilang bahagi ng ‘precautionary testing’ nang aksidenteng mabagga siya ng kasanggang si Markelle Fultz. “I was scared,” pahayag ni Saric patungkol sa injury ni Embiid.

Tangan ni Embiid ang average team-high 22.9 puntos at 11 rebounds bago ang laro.

Sa iba pang laro, winasak ng Florida-based Magic ang Orlando Magic, 111-104; nagwagi ang Memphis sa Portland Trail Blazers, 108- 103; nabuhayan ang kampanya ng Los Angeles Clippers sa analo sa Phoenix, 111-99, ginapi ng Los Angeles Lakers ang Dallas Mavericks, 103- 93.