Ni Jel Santos

Pinag-iingat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista laban sa mga pekeng traffic enforcer, na nangungumpiska ng driver’s license at naglipana ngayon sa Metro Manila.

Sinabi ni Jose Arturo “Jojo” Garcia, MMDA OIC general manager, na na napag-alaman ng ahensiya na isang motorista mula sa Mandaluyong City ang naisyuhan ng pekeng ticket.

Binabagtas ng nasabing motorista ang EDSA nang biglang parahin at sitahin ng isang MMDA traffic enforcer at kaagad siyang inisyuhan ng ticket bago kinumpiska ang kanyang driver’s license.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nang magtungo ang motorista sa MMDA, nagulat siya nang malamang peke ang nasabing ticket.

“The agency does not have the motorist’s driver’s license. The person who apprehended him was not a legitimate traffic enforcer of the agency,” sabi ni Garcia.

Sinabi ng motorista na hindi niya pinagdudahan ang lalaki dahil naka-uniporme pa ito ng pang-MMDA traffic enforcer.

Ayon kay Garcia, inatasan na ni MMDA Chairman Danilo Lim ang kanyang mga tauhan upang siyasatin ang insidente.

Nanawagan din si Garcia sa mga motorista na hilinging makita ang mission order ng sumisitang traffic enforcer para na rin sa kanilang kaligtasan o pag-iingat.

Umapela rin siyang i-report sa MMDA ang mga kahina-hinalang traffic enforcer.