CARACAS (AFP) – Isang sunog na sinimulan ng mga presong nagbabalak tumakas mula sa police detention cells sa Venezuela ang naging dahilan ng kamatayan ng 68 katao nitong Miyerkules.

‘’In light of the terrible events that took place in the Carabobo state police headquarters, where 68 people died in a presumed fire, we have appointed four prosecutors... to clarify these dramatic events,’’ ipinahayag ni chief prosecutor Tarek William Saab sa Twitter.

Sinabi ni Carlos Nieto, pinuno ng Una Ventana a la Libertad (A Window on Freedom), na ‘’some burned to death and others asphyxiated’’ matapos silaban ang mga kutson at nakawin ang baril ng mga guwardiya sa pagtatangkang makatakas. Kabilang sa mga namatay ang dalawang babae na bumibisita sa kulungan nang mangyari ang insidente, ayon kay Nieto.

‘’A serious and profound investigation has been initiated to find the causes and those responsible for these regrettable events,’’ pahayag ni Carabobo state Governor Rafael Lacava sa Twitter.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nagpumilit naman ang mga kamag-anak ng mga preso na makapasok sa Carabobo state police headquarters para makibalita. Matapos isang pulis ang nasugatan sa pambabato ng mga nagwawalang tao, napilitan ang mga awtoridad na bogahan sila ng tear gas para lumayas.