PROUD PINOY! Handa nang sumagupa ang Philippine Ice Hockey Team -- nagnanais na makapagbigay ng karangalan sa bansa -- laban sa foreign teams na Thailand, Kuwait, Mongolia, at Singapore sa 2018 IHHF Challenge Cup of Asia sa Abril 3-8 sa SM Skating Mall of Asia sa Pasay City.

PROUD PINOY! Handa nang sumagupa ang Philippine Ice Hockey Team -- nagnanais na makapagbigay ng karangalan sa bansa -- laban sa foreign teams na Thailand, Kuwait, Mongolia, at Singapore sa 2018 IHHF Challenge Cup of Asia sa Abril 3-8 sa SM Skating Mall of Asia sa Pasay City.

SA kauna-unahang pagkakataon, mapapanood ng sambayanan ang Pinoy athletes sa world class ice hockey tournament sa gaganaping 2018 Challenge Cup of Asia sa Abril 3-8 sa SM Skating Mall of Asia sa Pasay City.

Itinataguyod ng SM at Federation of Ice Hockey Philippines (FIHP) at sanctioned ng International Ice Hockey Federation (IIHF), ang taunang torneo ay magtatampok sa Philippine Team laban sa mga bansang Thailand, Kuwait, Mongolia at Singapore.

“We are very proud and excited to host, for the first time, the IIHF Challenge Cup of Asia which has been held in different countries since it was founded in 2008,” pahayag ni Chris Sy, pangulo ng Federation of Ice Hockey Philippines.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tunay na kapana-panabik ang torneo para sa Pinoy bunsod ng katotohanan na ang 2018 Challenge Cup ang unang torneo na sasabak ang Pinoy sa men’s top division.

Tangan ang momentum bunsod nang matagumpay na kampanya sa 2017 Southeast Asian Games, kumpiyansa ang Philippine Ice Hockey Team, itinataguyod ng SM Group, na makakasampa sa podium sa five-nation Challenge Cup of Asia.

Mapapalaban ang Philippine Team sa Thailand sa Abril 3, sunod sa Kuwait sa Abril 5, Mongolia sa Abril 6, at Singapore sa Abril 8. Nakatakda ang lahat ng laro ng Pilipinas ganap na 7:00 ng gabi.

Ang iba pang iskedyul sa Challenge Cup of Asia ay ang mga sumusunod: Singapore vs Mongolia sa Abril 3 (3:30PM), Mongolia vs Kuwait on Abril 4 (7PM), Thailand vs Singapore on Abril 5 (3:3PM), Mongolia vs Thailand sa April 7 (3:30PM), Kuwait vs Singapore sa Abril 7 (7PM), at Kuwait vs Thailand sa Abil 8 (3:30PM).

Bilang paghahanda, siniguro ng organizers ang kahandaan ng Olympic-size ice skating rink sa SM Skating Mall of Asia na tunay na pang-world class sa taglay na digital scoreboard, players’ boxes, scorekeeper,penalty boxes, at locker rooms. May kapasidad na 200-seater ang stands sa paligid ng rink.

“We are honored to be a part of this wonderful opportunity to host the first official IIHF event in the country.

This shows how the Philippines can truly be at par with its Asian neighbors not only in terms of the quality of its sports programs and athletes, but also in the quality of its sports facilities,” pahayag ni Herman Medina-Cue, COO of SM Lifestyle Entertainment, Inc., -- tanging kompanya na nangangasiwa ng Olympic size ice rinks sa bansa