Ni NORA CALDERON

MAGANDANG manood sa Unang Hirit ng GMA 7 simula nitong Marso 22, dahil live ang coverage ni Rhea Santos mula sa Holy Land na pinapanood maging ng co-hosts niya sa morning show at halata ang excitement sa mga tanong nila lalo na kung nakaka-encounter si Rhea ng OFWs na naho-homesick na sa tagal ng pananatili nila sa Israel o sa mga kalapit-bansa roon.

Ang may-akda sa Via Dolorosa sa Jerusalem at sa ilog ng Jordan

Ang may-akda sa Via Dolorosa sa Jerusalem at sa ilog ng Jordan

Nakatutok din kami sa panonood dahil iba ang nararamdaman namin kapag muli naming nakikita ang mga lugar sa Holy Land na napuntahan namin noon. Prayer ko talaga noon kay Lord na gusto kong ang first travel ko abroad ay sa Holy Land, kahit iyon lamang ang mapuntahan ko, sapat na sa akin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Umalis kami ng Pilipinas noong April 10, 1994 kasama ang kapwa pilgrims papuntang Holy Land. Twenty six (26) kami noon, kasama namin ang ngayon ay si Monsignor Albert Venus with two other priests. Sa Rome ang aming first destination at from there, saka kami tumuloy ng Israel. Kahit 24 years ago na ako unang nakarating doon, natatandaan ko pa ang lahat ng mga lugar na pinuntahan namin.

Sa Rome, nakapunta kami sa Fontana de Trevi (‘yung tinatawag na three coins in the fountain na naging popular sa isang awitin), ang Roman Colesseum, nagkaroon kami ng picture sa St. Peter’s Square sa Vatican, at nakapasok sa chapels doon. Tumuloy na kami sa Jaffa, Israel, Caesaria Phillipi, Cana in Nazareth (may ipinakasal kami roon), sa Sea of Galilee, Mount of Beautitudes in Capernaum. Naranasan namin ang baptism sa Jordan River (na after naming lumusong sa Jordan River, pagbalik namin sa bus, tuyo na ang mga damit namin), Church of Transfiguration, Mount of Temptation, Dead Sea, Church of Visitation, Church of the Ascension, Mount of Olives or the Garden of Gethsemani (naroon pa rin ang olive trees na nakatanim na doon noong panahon ni Jesus Christ more than 2000 years ago).

Sa Bethlehem in Jerusalem, pumunta kami sa Shepherd’s Field, na sinilangan ni Jesus Christ, nandoon ang Star of Bethlehem na siyang palatandaan kung saang lugar isinilang si Hesus sa isang sabsaban. Marami pa kaming churches na pinuntahan pero ang isa pang hindi namin makakalimutan ay nang pumunta kami sa Via Dolorosa na nilakaran ni Hesus pasan ang mabigat na krus. Inilakad pala Siya sa pinakamataong lugar dahil nandoon ang palengke. Na-experience namin ang magpasan din ng krus pero sampu kami at puwede kang mag-wish o humingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan kasunod ang bendisyon ng pari. Tumuloy kami sa Church of Calvary na pinagpakuan kay Hesus. May mga lugar kaming pinuntahan na hindi namin napapansing umiiyak na pala kami dahil nata-touch ka sa mga nakikita mo at naglalaro na sa isip mo ang mga pinagdaanang hirap ni Hesus.

May little miracles kaming naranasan at iyon na ang hindi ko malilimutan sa pilgrimage, habang nabubuhay kami.

Salamat sa mga kaibigan sa showbiz na ginamit ni Lord para sumuporta sa akin para matupad ko ang wish kong iyon.

That time, ang dollar ay P 27.50 pa lamang.

Dahil our God is a loving God. Hindi lamang niya ako pinapunta sa Holy Land. May special treat pa ang biyahe namin dahil may three-day stay pa kami sa Hong Kong, for free, kasama na sa package. Kaya iyon ang first time ko ring pagpunta ng HK. Eleven days kami sa Holy Land, April 10 to 21 at sa Hong Kong, April 21 to 23, 1994.

Thank you, Lord.