BEIJING (AFP) – Matapos ang dalawang araw na espekulasyon, kapwa kinumpirma ng China at North Korea ang pagbisita ni leader Kim Jong Un sa Beijing at pagkikita nila ni President Xi Jinping. Ayon sa Chinese Foreign Ministry ang unofficial visit ay mula Linggo hanggang Sabado.

Magarbo ang naging pagsalubong ni Xi kay Kim sa sekretong pagbisita nito, na una rin niyang biyahe sa ibang bansa.

Sinalubong sina Kim at asawa niyang si Ri Sol Ju ng honour guards at banquet na inihanda ni Xi, ayon sa state media, na kinumpirma lamang ang pagbisita nitong Miyerkules matapos magbalik si Kim sa North Korea.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nagpulong ang dalawang lider sa Great Hall of the People kasama ang Chinese officials. Pinuri ng dalawang pinuno ang makasaysayang relasyon ng kanilang bansa. Nangako si Kim na siya ay “committed to the denuclearisation” ng Korean peninsula, iniulat ng Xinhua news agency ng China.

“There is no question that my first foreign visit would be to the Chinese capital,” sinabi ni Kim, ayon sa official KCNA news agency ng North Korea. “This is my solemn duty as someone who should value and continue the DPRK-PRC relations through generations.”

Ayon sa KCNA, tinanggap ni Xi ang imbitasyon ni Kim na bumisita sa Pyongyang.

Sinabi ng analysts na posibleng nais ni Xi na tiyaking hindi magkakaroon ng kasunduan ang North Korea kay US President Donald Trump na makasisira sa interes ng mga China, pagpupulong nila sa Mayo.