LARANJEIRAS DO SUL (AP) – Sinabi ng Workers’ Party sa Brazil na tinamaan ng bala ang dalawang bus sa caravan ng campaign tour ni dating President Luiz Inacio Lula da Silva sa katimugan ng Brazil, ngunit walang nasaktan.

Hindi pa malinaw kung nakasakay sa isa sa mga bus si da Silva sa pamamaril na nangyari nitong Martes.

Sinabi ng partido na nanggaling ang caravan sa Quedas do Iguacu at patungo sa Laranjeiras do Sul sa estado ng Parana.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nangyari.

Sa isang pahayag sa website ni da Silva, sinabi ng dating presidente na ibang klase ang karahasan sa kampanya ngayong taon. ``If they want to fight, fight with me at the polls,’’ aniya.