PINAGHARIAN ni International MasterJoel Pimentel ang katatapos na The Search for the next Wesley So na ginanap sa Activity Hall sa Alphaland Makati Place, Ayala Avenue sa Makati City nitong Linggo.

Ang Bacolod City native Pimentel, miyembro ng star-studded Philippine Army chess team, ang bukod tanging manlalaro na walang bahid na talo sa torneong ito na nakapagtala ng apat na tabla at pitong panalo kasama ang kanyang crucial game kontra kay early leader GM John Paul Gomez sa Round 6. Nakuha ni Pimentel ang unahang puwesto matapos ang 11 na laro na may total output 9.0 puntos, angat ng isang puntos kina 2nd placer GM Rogelio “Joey” Antonio Jr., 3rd placer GM John Paul Gomez at 4th placer IM Jan Emmanuel Garcia na may tig 8.0 puntos.

Tinanggap ni Pimentel ang top prize P20,000 sa two-day active chess tournament na suportado ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Surigao del Sur. Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr., na inorganisa ni NCFP treasurer Atty. Cliburn Anthony A. Orbe sa pakikipagtulungan ng Alphaland Makati Place kung saan ito ay pinasinayaan nina NCFP board of directors Martin “Binky” Gaticales, Louie Ramos at Red Dumuk sa opening rites.

Kabilang din sa mga manlalaro na lumahok ay sina 5th placer Daniel Causo (7.5 pts.), 6th placer GM Darwin Laylo (7.5 pts.), 7th placer IM Roderick Nava (7 pts.), 8th placer Michael Concio Jr. (4 pts.), 9th placer Kylen Joy Mordido (2.5 pts.), 10th placer Jerlyn Mae San Diego (2 pts.), 11th placer Mark Jay Bacojo (1.5 pts.) at 12th placer eight years old Al-Basher “Basty” Buto (1 pt.)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!