Ni REMY UMEREZ

NAKIKIISA ang DZMM Teleradyo sa paggunita ng Mahal na Araw o Semana Santa sa pagpapalabas ng eklusibong documentary na kinunan sa Holy Land entitled Sa Landas ni Hesus, Maglakbay, Magnilay.

JUN BANAAG SA HOLY LAND

Isasalaysay ng DZMM host at narrator na si Bro. Jun Banaag ang mga pinagdaanan sa buhay ni Jesus Christ simula sa pagsilang sa Kanya Bethlehem hanggang sa pagpako at kamatayan Niya sa krus sa bundok ng Golgota at ang muling pagkabuhay.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Buong-buong pagninilayan ang Station of the Cross o Via Crucis habang nilalandas ng pilgrims ang mga lugar na pinangyarihan ng pagpapakasakit ni Jesus more than two thousand years na ang nakakalipas.

“Isa itong ‘di pangkaraniwang karanasang spiritual na hindi dapat palagpasin ng sinuman regardless of faith and religion,” pahayag ni Bro Jun, ang spiritual director ng pilgrimage sa Holy Land.

Hinati sa tatlong episodes ang Lenten special na mapapakinggan sa Holy Monday, Holy Tuesday at Holy Wednesday, 11:00 PM to 11:30 PM. Ipapalabas ang full documentary on Holy Thursday from 4:00 PM to 6:30 PM at sa Good Friday mula 10:30 AM to 12 noon at sa Black Saturday from 6:30 PM to 8:30 PM.