Ni Gilbert Espeña

MULING magbabalik sa boxing ring ang walang talong si dating WBO Oriental light flyweight titlist Christian Araneta na huling lumaban mahigit isang taon na ang nakararaan pero nakalista pa ring No. 13 contender kay WBA junior flyweight champion Ryoichi Taguchi ng Japan.

Huling lumaban si Araneta noong Marso 18,2017 sa pagpapatulog kay one-time world title challenger Demsi Manufoe ng Indoesia kaya pumasok sa top 10 ng WBO rankings.

Ngunit napatigil ang kanyang karera nang mapinsala ang kanang balikat niya sa sparring session kaya inoperahan siya at ngayon lamang pinahintulutan ng doktor na lumaban.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Kakasa si Araneta laban kay Ian Ligutan sa Abril 3 sa Monolo Fortich, Bukidnon sa undercard ng sagupaan nina WBO No. 1 minimumweight Robert Paradero at unranked Royder Llood Borbon.

Sasabak din si WBO No. 2 mini-flyweight Vic Saludar kontra kay Mike Kinaadman gayundin ang kapatid nitong si WBO No. 6, IBF No. 9 at WBA No. 13 flyweight Froilan Saludar laban kay Jonathan Francisco.