Mula sa Entertainment Tonight

MUNTIK nang mawala ang $2 million engagement ring ni Paris Hilton sa Florida.

Paris copy

Ini-enjoy ng hotel heiress ang gabi sa Mana Wynwood nightclub sa Miami nang tumalsik mula sa kanyang daliri ang singsing niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“The ring was just so heavy and big that while I was dancing it literally flew off my finger into an ice bucket a couple of tables over,” paliwanag ni Hilton, 37, sa Twitter nitong Linggo. “Thank God by some miracle my fiancé found it before someone else did and most likely would not have returned it. I am so lucky!”

Masuwerte ngang talaga!

Nag-propose ang fiancé ni Hilton, ang aktor na si Chris Zylka, gamit ang 20-carat sparkler, habang nagbabakasyon silang dalawa at nasa winter ski trip sa Aspen, Colorado, noong Bagong Taon.

Kalaunan, tinawagan ni Hilton ang jeweler, si Michael Greene, upang ideklara na ang kanyang singsing nito ang kanyang “dream ring.”

“The most romantic moment of my life!,” tweet ni Hilton noong Enero 2.

Nitong Miyerkules, sinabi ni Hilton sa ET na hindi na siya makapaghintay na magsimulang magpamilya kasam si Zylka, 32, na nagbida sa The Leftovers gn HBO.

“I finally found the perfect man to start a family with, so I look forward to that,” she said. “I would love twins.

We’ve been talking about [kids] since our first date. We’ve always known since the beginning.”