WASHINGTON (AFP) – Iginiit ni US Treasury Secretary Steve Mnuchin nitong Linggo na binabalak ni President Donald Trump na ipatupad ang $60 bilyong taripa sa Chinese imports, dahil makabubuti ito sa ekonomiya.
Nagsalita sa “Fox News Sunday,” sinabi ni Mnuchin na hangga’t walang nabubuong kasunduan sa China, ipatutupad ni Trump ang buwis na tumatarget sa mga sektor na ayon sa Washington ay ninanakaw ng Beijing ang American technology.
“We are going to proceed with our tariffs. We are working on that,” aniya.
Nagbabala ang China sa US nitong Biyernes na hindi ito natatakot sa trade war kasabay ng bantang bubuwisan ang $3 bilyon halaga ng mga kalakal ng US bilang tugon sa bagong hakbang ni Trump.
Idiniin ni Mnuchin ang paninindigan ni Trump na “we are not afraid of the trade war” — ngunit idinagdag ang “very productive conversations with the (Chinese) vice premier.”
“I’m cautiously hopeful we reach an agreement, but if not we are proceeding with these tariffs,” aniya.