Ni Kate Louise Javier

Arestado ang isang babae, na iniulat na kabilang sa watchlist, sa operasyon sa Caloocan City nitong Sabado ng hapon.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng drug enforcement team ng lungsod, sa pangunguna ni Sr. Inspector Allan Hernandez, laban kay Sonia Juntilla, 33, ng Libis Baesa sa Barangay 160.

Ayon kay Hernandez, nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng ilang concerned citizen hinggil sa ilegal na aktibidad ni Juntilla.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Kabilang din si Juntilla sa barangay drug watchlist, bilang tulak, ayon kay case investigator PO1 lester Alpecho.

Inaresto si Juntilla sa tapat ng kanyang bahay nang iabot niya ang isang pakete ng shabu, na nagkakahalaga ng P500, sa isang police poseur-buyer, dakong 12:30 ng gabi.

Inamin ni Junt i l l a ang pagkakasangkot niya sa illegal drug trade, ayon sa pulis.

Sasamapahan ng kaukulang kaso si Juntilla, na kasalukuyang nakakulong sa Caloocan police.