Ni Mary Ann Santiago

Patay ang isang Grade 6 student nang malunod sa Marikina River, matapos pagbabatuhin sa ulo ng grupo ng kabataan kamakalawa.

Tumanggi ang awtoridad na pangalanan ang biktima, 12, gayundin ang suspek, 17, out-of-school youth, at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ulat ng Marikina City Police, lumalangoy ang biktima sa Marikina River, na sakop ng Barangay Malanday, nang dumating ang suspek kasama ang mga kaibigan nito at pinagbabato ang una, bandang 3:10 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dalawang beses tinamaan sa ulo ang biktima kaya nawalan ito ng malay hanggang sa tuluyang lumubog sa tubig at malunod.

Isang concerned citizen ang nagmagandang-loob na sagipin at iahon sa tubig ang biktima.

Isinugod pa ang biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC), ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Police Community Precinct 4, ng Marikina City Police, ang suspek sa follow-up operation.