NI Aaron Recuenco

Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa posibilidad na magsilbi sa pulisya ang mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Gayunman, nilinaw ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na dapat pa ring makatupad ang mga dating rebelde sa mga kinakailangang requirements sa pagpupulis, gaya ng pagtatapos sa kolehiyo, sapat na tangkad, at limitasyon sa edad.

“If they are sincere, if they want to be a policeman and they are qualified, why not,” ani dela Rosa.

National

PCSO: 3 lucky bettors, instant milyonaryo sa SuperLotto 6/49 at Lotto 6/42

Ito ang reaksiyon ni dela Rosa makaraan sabihin ni Pangulong Duterte na maaaring tanggapin ng pulisya at militar ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sakaling piliin ng mga itong sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan.

“In fact, we have a lot of former NPA rebels who joined the police force after their surrender,” sabi pa ni dela Rosa.

Kabilang sa mga benepisyong alok ng gobyerno sa mga rebeldeng nais sumuko ang ayudang pinansiyal, proyektong pangkabuhayan, at maging disenteng bahay.