Ni JUN AGUIRRE

Isasailalim sa maximum red alert ng Philippine National Police (PNP) ang Boracay Island, dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa isla ngayong Semana Santa.

Sa panayam, sinabi ni Supt. Ryan Manongdo, hepe ng Metro Boracay Task Force ng Aklan Police Provincial Office, na mahigit 100 puwersa ang naipakalat na sa isla upang masiguro ang seguridad ng mga turista.

Bukod sa Boracay, nakaalerto rin ang task force sa paligid ng bayan ng Malay, na kinabibilangan ng Nabas at Buruanga, na posibleng dayuhin din ng mga turista.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Layunin, aniya, nito na maiwasan ang maliliit na krimen, katulad ng snatching, pagnanakaw at iba pa.