NAGSIMULA nang ipakalat ng Police Regional Office (PRO4A) sa Calabarzon ang pagpapakalat ng 6, 692 police personnel para sa “Ligtas SumVac 2018” upang masigurong ligtas ang bakasyon ng mga mamamayan.

Pinangunahan ni Calabarzon Police Regional Director, Chief Supt. Ma. O R. Aplasca, ang paglulunsad sa Camp Gen. Vicente Lim, Calamba City at pinaalalahanan ang lahat ng police unit commanders na doblehin ang kanilang pagsisikap sa pagsiguro sa kaligtasan ng publiko sa panahon ng bakasyon.

Inaasahan din ang pagsasagawa ng police operations sa iba’t ibang akibidad gaya ng Lenten Season, Philippine Veterans Week, Araw ng Kagitingan, Labor Day, National Flag Day, at Flores de Mayo, at marami pang iba.

Ipinag-utos din ni Aplasca ang kooperasyon ng mga miyembro ng Calabarzon police, support units, military counterparts, at ng iba pang law enforcement agencies, local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), force multipliers, at iba pang civilian volunteer groups upang gabayan ang publiko sa ligtas na pagbabakasyon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Umapela rin si Aplasca sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad ngayong panahon ng bakasyon at ipinagdiinan na maging alerto sa anumang oras.

Parte rin ng “Ligtas Sumvac 2018” operations ang seguridad sa eleksiyon sa darating na Barangay and SK election sa Mayo 14.

Hinikayat din ng regional police director ang publiko na iulat sa pinakamalapit na police station o kahit anong law enforcement agency sa oras na mayroong kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.

Siniguro rin niya na ang PRO 4A headquarters ay may sapat na tauhan na handang rumesponde at sumaklolo sa anumang oras.

Ayon kay Police Supt. Chitadel Carandang Gaoiran, hepe ng regional police public information office, ang Calabarzon regional police force ay magdaragdag ng 8,422 Force Multipliers at Volunteer Groups na ipakakalat sa iba’t ibang lugar haya ng transportation hubs, terminals, malls, sea ports, at commercial areas sa rehiyon. (PNA)