Ni Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac - Dahil hindi umano matanggap ang panenermon ng kanyang ama, pinaniniwalaang ito ang dahilan ng pagpapasya ng isang binata na kitilin ng sarilin buhay nitong Huwebes ng hapon sa Barangay San Carlos, Paniqui, Tarlac.

Sa report ng Paniqui Municipal Police, nadiskubre ang halos naaagnas nang bangkay ni Arnulfo de Vera, 17, na nakabitin sa ilalim ng isang punongkahoy sa kanilang lugar.

Sinabi ng imbestigador na posibleng dinamdam ng binata ang pangangaral sa kanya ng ama.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog