Mula sa Entertainment Tonight

MUKHANG nakapag-move on na agad si Justin Bieber sa panibagong hiwalayan nila ni Selena Gomez.

baskin justin

Nitong Martes ng gabi, namataan si Bieber , 24, sa concert ni Craig David sa The Roxy sa West Hollywood, California, kasama ang isang blonde woman na nakilalang ang modelong si Baskin Champion, 22. At hindi itinago ng dalawa na mayroon silang malapit na relasyon – at lahad ng saksi sa ET, nakitang nakahawak si Bieber sa baywang ni Baskin sa concert, buong show silang nakikipagsayaw sa isa’t isa.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Namataan din sina Baskin at Bieber habang pauwi sa bahay ng singer pagkatapos ng concert. Suot ng modelo ang pink na sweatpants at furry slippers.

Tila nakilala ni Bieber si Baskin, na mula sa Alabama, sa pamamagitan ng kanyang malapit na kaibigang si Patrick Schwarzenegger. Karelasyon ni Schwarzenegger, 24, ang 21 taong gulang na model na si Abby Champion, nakababatang kapatid ni Baskin. Nitong nakaraang linggo, lumabas si Bieber upang suportahan si Schwarzenegger sa Midnight Sunpremiere sa Los Angeles, kung saan namataan din si Baskin.

At mukhang magkapareho ng paniniwala sina Bieber at Baskin pagdating sa relihiyon. Sa 2016 interview ng Alabama.com, tinalakay ni Baskin – na kinoronahang Miss Alabama Teen USA noong 2014 – ang kahalagahan ng relihiyon sa kanyang buhay.

“I try to be very conscious of what I put on social media and the way my image is depicted,” sabi ni Baskin. “If young girls could see anything about me, I would want it to be that living for Christ is the greatest joy that I, or anyone, could ever have. I deal with people who have lots of money and success but who are not happy on the inside. Having a relationship with God is most fulfilling.”

Kagaya ni Bieber, prioridad din ni Baskin ang fitness.

Nakipag-ugnayan na ang ET sa mga kinatawan nina Justin at Baskin.

Samantala, nitong Lunes, namataan naman si Selena, 25, na sakay sa luxury yacht kasama ang kanyang mga kaibigan sa Sydney, Australia, at wala siyempre si Bieber. Nitong nakaraang linggo, sinabi ng source sa ET na napuno ang Wolves singer sa atensiyon ng media, problema sa pamilya, at mga usap-usapan tungkol sa kanyang buhay, kaya nagdesisyon itong mag-relax mula sa trabaho at anumang obligasyon, para makasama ang kanyang pamilya at makaalis ng Los Angeles.

Sinabi rin ng isang source sa ET nitong Lunes na hindi aprubado sa mga kaibigan ni Selena ang pagbabalikan nila ni Bieber kamakailan.

“There’s a big crew of people (in Selena’s circle) who really don’t like Justin and they especially don’t like him with Selena,” anang source. “A lot of her friends really don’t like him. They think he’s bad news for Selena and don’t approve of the relationship.”