BRUSSELS (AFP) – Nagkaisa ang European Union leaders sa likod ni British Prime Minister Theresa May nitong Huwebes sa pagsisi sa Russia sa nerve agent attack sa England, at nagkasundong pauwiin ang kanilang ambassador sa Moscow para sa mga konsultasyon.

Pinag-iisipan na rin ngayon ng ilang estado na sumunod sa ginawang pagpalayas ng Britain sa Russian diplomats.

Iginiit ni May na mahalaga ang nagkakaisang tugon sa panlalason noong Marso 4 sa dating double agent na si Sergei Skripal at anak itong si Yulia sa lungsod ng Salisbury sa England.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa summit sa Brussels, nagpahayag ng suporta ang 28 EU leaders, at nagkasundo na ‘’it is highly likely that the Russian Federation is responsible and that there is no plausible alternative explanation’’.

Mariing itinatanggi ng Moscow na may kinalaman ito sa panlalason ngunit tinukoy ng London ang ginamit na kemikal na Soviet-designed Novichok, at iginiit na ang Russia ang may paraan at motibo para gawin ang pag-atake.