NI Nitz Miralles

NAKAKALUNGKOT na halos wala nang maniwala kay Baron Geisler na magbabago pa siya, kahit nangangako nang magbabago na talaga paglabas sa muling pagpapa-rehab.

BARON copy

Pabalik-balik na raw sa rehabilitation center si Baron, pero hindi pa rin naman nagbago, kaya itong last post niya sa Facebook, dedma ang netizens.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I am going into rehab, and take this very seriously this time. I am sorry to all whom I’ve hurt or offended. I will be better, and I will see you all again and work with you, when I am ready. Pag-ibig.”

Ang payo ng netizens kay Baron at sa pamilya niya, patagalin sa rehab si Baron at ‘wag palalabasin hangga’t hindi nagbabago o hangga’t hindi nakakalimutan ang amoy ng alak.

May mga harsh comments pa nga na huwag nang bigyan ng another chance si Baron dahil wala rin namang nangyayari.

Paglabas, ilang araw lang matino at hindi lasing, kapag nakakita na ng alak, kinakalimutan na lang ang mga pangakong magbabago na siya.

Malay naman nating kung this time ay magbago na talaga si Baron, bigyan uli siya ng another chance. Ang pamilya nga niya hindi sumusuko, tayo pa ba ang susuko?