Ni Jun Ramirez

Nasakote ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga ang isang Norwegian pedophile matapos itong bumalik sa bansa.

Ipinaliwanag ni BI Commissioner Jaime Morentre na si Kim Vegar Kristoffersen, 29, ay matagal nang pinagbabawalang pumasok sa Pilipinas matapos itong mahatulan sa kanilang bansa kaugnay ng pagkakasangkot sa mga sex crime.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kagagaling lamang, aniya, ni Kristoffersen sa Oslo, Norway at nagtungo sa bansa upang bisitahin ang kanyang Pinoy na boyfriend sa Concepcion, Tarlac.

“He was immediately excluded and booked on the first available flight to his port of origin,” paglilinaw ni Morente.

Si Kristoffersen, ayon kay Morrente, ang pinakahuling banyaga na naaresto kaugnay ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na pagpasok ng undesirable aliens sa bansa.

Ipinagmalaki rin ni Morente ang nadakip nilang 187 registered sex offenders (RSOs) matapos umanong magtangkang pumuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga ito.