Mula sa Yahoo Celebrity

INARESTO na naman si Nick Gordon, dating boyfriend ng namayapang si Bobbi Kristina Brown, sa pangalawang pagkakataon sa loob ng dalawang linggo. Ngayon naman ay dahil sa paglabag niya sa no-contact order na nagbabawal sa kanyang lumapit sa girlfriend, ang 26 taong gulang na si Laura Leal.

Nick copy

Una nang inaresto si Gordon dahil sa domestic battery charge ni Leal noong Marso 10, nang suntukin at sabunutan umano nito ang babae. Inatasan ng judge ang dalawa na huwag munang magkita, at nakatakdang humarap sa Korte si Gordon sa Abril 6.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Gayunman, inihayag naman ni Gordon sa mga rumespondeng pulis na tulog siya nang pumasok ang kanyang girlfriend sa bahay niya sa Winter Park, Fla., gamit ang door code at siya ay “just hanging out with him” sa kuwarto.

Sumang-ayon si Leal sa pahayag, at sinabi sa mga pulis na pumunta siya sa bahay ng una upang makita ito at hindi siya natatakot sa para sa kanyang kaligtasan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinagtanggol ni Leal si Gordon. Nang arestuhin ito nitong Marso 10, hiniling niyang pagwalan ng bisa ang no-contact order, at isinisi niya ang naging bayolenteng insidente sa kanyag sariling mental health issues.

Ibinasura na rin niya ang mga kasong kanyang isinampa, nang magsumite ng pulisya noong Hunyo ng umano’y domestic battery at false imprisonment laban kay Gordon.

Dahil sa insidenteng ito, nagkaroon si Gordon ng conditional release violation, ayon sa Seminole County Sheriff’s Office.

Unang naging notorious si Gordon nang mamatay ang noon ay girlfriend niyang si Bobbi Kristina Brown noong 2015, anak nina Whitney Houston at Bobby Brown. Noong Enero nang taon ding iyon, natagpuang walang malay si Bobbi Kristina sa bathtub na puno ng tubig sa kanyang bahay sa Georgia. Naging comatose sa loob ng anim na buwan at binawian ng buhay nang tanggalan ng life support si Bobbi. Napag-alam na si Gordon ay civilly liable sa maling death case at inatasang magbayad ng $36 million sa estate ni Brown.