April 13, 2026

Home BALITA

Imbestigasyon sa bumigay na kisame sa NAIA, nagpapatuloy—NNIC

Imbestigasyon sa bumigay na kisame sa NAIA, nagpapatuloy—NNIC
courtesy: Calyn Lanuza

Nagpapatuloy ang imbetigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang sanhi sa bumigay na kisame sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, ayon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC).

Sa inilabas na pahayag ng NNIC, bumigay ang kisame dakong 10:43 ng umaga nitong Biyernes Santo, Abril 3, na naging sanhi ng pagkasugat ng pitong (7) indibidwal. 

Nasa maayos naman nang kalagayan ang mga sugatan.

Dagdag pa ng NNIC, inispekyon na ng kanilang engineering team ang lugar at kinumpirmang ligtas para sa normal na operasyon sa NAIA. 

"The area was immediately cordoned off, and NNIC’s engineering team has since inspected the surrounding section and confirmed that it is safe for normal operations," anang private operator ng NAIA.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Bukod dito, nagpapatuloy ang imbetigasyon ng mga awtoridad uoang malaman ang sanhi ng pagbigay ng kisame.

"Investigations are ongoing to determine the cause of the incident. NNIC is working closely with the relevant authorities and will take the necessary action based on the findings," saad ng NNIC.

"NNIC continues to provide all necessary assistance to those involved. The safety and well-being of passengers, airport workers, and visitors remain its top priority."

Samantala, nauna na ring naglabas ng pahayag ang Department of Transportation kaugnay sa insidente.

Basahin: 7 katao, sugatan sa bumigay na kisame sa NAIA!