Ni Fer Taboy

Patay ang isang carnapper habang pinaghahanap ang isang kasamahan nito nang makipagbarilan umano ang mga ito sa pulisya sa Sta. Maria, Bulacan kahapon.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Sta. Maria Police ang pagkakakilanlan ng suspek na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril.

Sa panayam kay SPO1 Jason Taniza, ng Sta. Maria Municipal Police Station (SMMPS), sinabi niyang tinangay ng mga suspek ang isang motorsiklo matapos mangholdap sa Barangay Caysio, Sta. Maria, Bulacan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kaagad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya nang mai-report ang insidente at nang mamataan ang mga suspek ay hinabol ang mga ito sa Bgy. Caypombo.

Nang makorner, nagawang paputukan umano ng mga suspek ang mga pulis na nakipagbarilan din na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga suspek sa Pulong Buhangin.

Nasamsam sa tabi ng bangkay ang isang .45 caliber pistol, 10 sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Nagawa namang makatakas ng kasamahan ng suspek.