Ni Leslie Ann G. Aquino

Maraming Pilipino ang pabor sa legalisasyon ng diborsiyo sa bansa, ito ang nabunyag sa survey ng Radyo Veritas ng Simbahang Katoliko.

Base sa Veritas Truth Survey (VTS) na inilabas nitong Martes, sa 1,200 respondents mula sa mga lungsod at bayan sa buong bansa, nasa 39 porsiyento ang “strongly agree” sa legalisasyon ng diborsiyo sa Pilipinas, habang 35% ang “strongly disagree”.

Nabatid na may tig-13% naman ang “somewhat agree” at “somewhat disagree”.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Lumitaw pa sa survey na 43% ng mga babaeng tinanong ang “strongly agree” sa diborsiyo kumpara sa 35% “strongly disagree”.

Para sa mga lalaking respondent, 34% ang “strongly agree” samantalang 35% ang “strongly disagree”.

“This is a wakeup call and a big challenge to the Catholic Church especially since many of the faithful are in favor of the legalization of divorce here in the Philippines, the only country aside from the Vatican without a divorce law,” sabi ni Father Anton Pascual, pangulo ng Radio Veritas.