Ni Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Isa na namang motorcycle rider at kaangkas nito ang nasawi nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Gerona, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot sina Jovy Engle, 25, binata, driver, ng Barangay Bawa, Gerona; at Bonifacio Rañopa III, 25, ng Bgy. Cabatuan, Alaminos, Pangasinan sanhi ng mga tinamong sugat sa bali ng katawan.

Ayon sa pagsisiyasat, dakong 9:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Gerona-Sta. Ignacia Road sa Bgy. Tagumbao, Gerona.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ilang minuto bago ang insidente, pauwi na ang dalawa sakay sa motorsiklo nang bigla itong sumalpok sa isang poste.