Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Pinaghahanap ng pulisya ang isang 23-anyos na secretary ng isang gasolinahan makaraang tangayin 0umano ang limang araw na kita ng establisimyento sa Maharlika Highway sa Barangay H. Concepcion, Cabanatuan City, nitong Biyernes ng umaga.

Sa reklamo sa pulisya ni Bernadette Dayao y Panganiban, officer-in-charge ng Fuel Star, at taga-Purok 3, Bgy. San Isidro, bandang 10:30 ng umaga nang mabigo umanong i-remit ni Romelyn Candelaria y Maglalang, 23, ang P175,000 na kinita ng gasolinahan at simula noon ay hindi na pumasok sa trabaho.

Kinasuhan ni Sammy T. Ong, may-ari ng gasolinahan, ng qualified theft si Dayao sa piskalya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog