ANG unprecedented once- in-a- lifetime historic Executive events (3rd , 4th & 5th legs) ngayong Abril at Mayo ay nakalinya na sa Philippine Executive Chess Association (PECA) para maramdaman ang summer days kasama na ang thrill at entertainment ayon sa organization founding president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

“These are really exciting times for Philippine Executives Chess.” sabi ni Atty. Orbe na treasurer din ng National Chess Federation of the Philippines.

Ang 3rd leg ay gaganapin sa Activity Center sa Vista Mall , Sta Rosa City, Laguna (near Nuvali) along Tagaytay - Sta Rosa Highway sa Abril 7, 2018 (Sabado).

Kabilang sa mga kalahok ay sina Seven-Times Philippine Executive Champion Dr. Jenny Mayor, 1st leg champion engineer Benjamin “Benjie” Esquejo,2nd leg winner engineer Arjoe Loanzon, engineer Ravel Canlas, Makati Hope Christian School head chess coach Marguel Soria, SMDC Sales Director Samivin V. de Los Santos at IT Manager Edwin Sison ng Vital C Health Products, Inc.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Our Press Relation Officer (PRO) Dr. Alfredo “Fred” Paez will do the cudgels of organizing the event. It will cater mostly Calabarzon, Metro Manila & Luzon Executives as well as Kiddies who wants to tag along with their dads or trainers/guardians to join the fun. Dr Paez’s contact # is 09212728172.” ani pa Atty. Orbe.

Matapos ang tatlong linggo, ang 4th leg ay darako sa currently controversial island paradise ng Boracay sa Malay, Aklan sa Visayas. Gaganapin sa Abril 28, 2018 (Sabado) sa Casa Pilar Bar & Restaurant na inorganisa ni PECA Vice President for Visayas NM Wilfredo Neri (#09985346842) sa pakikipagtulungan ni NM / NA Carlito Lavega ng Iloilo (#09096755143).

Ang nasabing event ay masisilayan ang malalakas na player mula sa Visayan Executives ng Panay Island, Cebu at adjacent provinces. Ang mga manlalaro mula sa Metro Manila, Luzon & Mindanao ay nagsabi na ding interesadong lalahok.

Matapos ang isang buwan ang nasabing executive chess circuit ay bibista sa Mindanao sa Mayo 26 (Sabado) sa Punta Isla Lake Resort sascenic Lake Sebu, South Cotabato. Isang pangyayari na hinding-hindi makakalimutan ayon na din sa organizer na si Lito Dormitorio, isang self made businessman , contractor at entrepreneur.

Isang double regular PECA prizes affair. Nakalaan sa magkakampeon ang lion share P20,000, habang sa runner-up naman ay P14,000, tatanggap ang third place ng P10,000, habang ang fourth place ay may P6,000 at ang fifth place ay magbubulsa ng P4,000. May developmental Kiddies event na simultaneously na gaganapin at hanapin si Mr. Lito Dormitorio sa 09493741967. Magpatala na sa BDO Account ni Treasurer NM Efren Bagamasbad.