Ni JIMI ESCALA
AYON kay Toni Gonzaga, simula nang hindi na sumipot ang katambal niya sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz ay hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap.
Kaya noong isang taon pa sila huling nagkausap. Mas pinili ni Toni na huwag munang kausapin ang dati niyang leading man dahil sa sunud-sunod na nasusulat na kontrobersiyang kinasasagkutan nito.
“I personally wasn’t able to talk to him and text him because I know that there was so much going on with the media. I didn’t want to add anything to it na parang nakikitsismis ka dahil nakatrabaho ko na rin siya naman nang matagal na panahon,” sey ni Toni.
Inamin ni Toni na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakakontakan ni John Lloyd.
Wala rin siyang maibibigay na komento tungkol sa relasyon ng actor kay Ellen Adarna na nakasama rin nila sa sitcom.
“Honestly, wala akong ma’ko-comment. In the beginning I wasn’t informed. I wasn’t given like a heads up that there was something going on. So, wala talaga akong masasabi na makakadagdag o makakabawas sa sitwasyon,” banggit ng aktres.
Pero ayon kay Toni ay open pa rin siya sa posibilidad ng pagbabalik ni John Lloyd sa Home Sweetie Home. Sa takbo kasi ng kuwento ay nagpunta lang sa abroad ang character nito upang magtrabaho.
Ayaw na rin namang magkomento ni Toni tungkol sa suggestion ng iba na dapat ay gawin nang permanente ang character ni Piolo Pascual at tuluyan nang papalitan si John Lloyd.
“We don’t want to say kasi that he’ll replace John Lloyd. We want to say that Piolo is a great addition to the family,” rason ng aktres.