Ni Leonel M. Abasola

Nagtatanong si Senador Grace Poe kung may sapat na programa ang bansa sa palakasan dahil wala pa ring nasusungkit na gintong medalya ang Pilipinas simula nang sumali sa Olympic Games noong 1924.

Sa papalapit na 2020 Olympic Games sa Tokyo, nais ni Poe na alamin ng Senate Committee on Sports kung ano ang ginagawa ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee.

“It’s time to up the ante on sports development, including training for international competitions, with the ultimate goal of winning the Olympic gold, which remains one of the unrealized dreams of our sports sector,” ani Poe.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa 20 beses na sumali ang Pilipinas sa Olympic, 10 medalya pa lamang nakuha ng bansa -- 3 silver, at 7 bronze.